Ang Boring ng Araw Ko Kahapon
By: Ariel
Kahapon, tinaga ako ng taxi driver. Limang daan daw mula airport papuntang Katipunan. Hindi ako makaangal. Dinikit ko na lang yung chewing gum ko sa upuan niya.
Kahapon sa misa, sabi ng pari sa kanyang sermon na dapat hindi maging makamundo at hindi dapat maghumaling sa mga materyal na ari-arian. Tumango sa pagsang-ayon ang sakristan na kamukha nya. Naisip ko, ang ganda ng bagong Pajero ni Father. Tapos nakatulog ako.
Kahapon, masaya akong umuwi ng condo, sabay sigaw pagbukas ko ng pinto "Honey, I'm home!!!" Nabahala ako nung walang sumagot. Saka ko naalala. Wala pala akong asawa.
Kahapon, nagkaroon rin ako ng tapang na itext at yayain lumabas ang crush ko. Sumagot sya at sinabing may bf na sya. Reply ko "Who's this, please?"
Kahapon, hindi ko maintindihan kung bakit may mga kaibigan akong bumabati ng "Happy 4th of July" sa Facebook stat messages nila. Malamang hindi nila naiintindihan na hindi pa rin tayo ganap na malaya at hindi pa natin lubos na nakamit ang kasarinlan mula sa galamay ng imperyalismo.
Kahapon, pinalitan ko yung Facebook password ko. Nilagay ko ang salitang "etits". Hindi tinanggap ang bago kong password. Masyado daw maiksi.
Kahapon sa grocery, nakita ko merong powdered orange juice. Dagdagan ng tubig, instant orange juice. Meron din powdered iced tea. Dagdagan ng tubig, instant iced tea. Meron pang powdered milk. Dagdagan ng tubig, instant milk. Bumili ako ng baby powder.
Kahapon sa elevator, nasiko ako ng kapitbahay ko. Di man lang nag-sorry. Tuloy lang sa kwentuhan nila ng kaibigan niya. Excited na daw syang mapanood ang Harry Potter. Di daw kasi niya nabasa ang libro. Pagbukas ng elevator, sabi ko "Namatay sina Tonks, Lupin, at Fred". Mabuti na lang kaya ko pang tumakbo ng mabilis.
Kahapon, may nakasabay akong mga madre sa sa 7-11. Bumili ako ng condoms. Nagtaasan ang mga kilay nila. Nakangiting sabi ko sa cashier na gagawa ako ng balloons kasi birthday ng pari ng parokya namin.
Kahapon, napanood ko sa balita si Gloria Macapagal-Arroyo. Kinilabutan ako. Naisip ko kasi na malamang pera ko ang pinambili nya ng bra at panty na suot niya.
Kahapon sa lotto station, sumigaw ako "Nanalo ako! Nanalo ako!!!" Dinumog ako ng mga tao. Tinanong ko sila "Kapag tatlong numero ang tinamaan, balik taya lang ba?" Muntik akong magulpi ng mga tricyle drivers.
Kahapon, hindi ako makapili kung ano ang ipapangalan ko kapag nagkaroon ako ng anak na lalaki. Novak or Azkal?
Kahapon, pinakinggan ko ang isang kanta tungkol sa droga. "Let It Be" ng Beatles. Mother Mary=Marijuana. "Speaking words of wisdom". Yeah right. Mga sabog lang ang kayang gumawa non.
Kahapon, binangungot ako. Napanaginipan ko na naka-posas ako sa poste ng kama ko. Wala akong saplot. Tapos pumasok sa kwarto si Kuya Germs at sabi nya sa akin "Walang tulugan!!!"
Kahapon, nanood ako ng football at basketball sa tv. Sa sports mo lang makikita na nagyayakapan ang mga lalaki at nagpapaluan ng pwet pero di sila napagkakamalang bading.
Kahapon sa mall, may nakasalubong akong mag-syota. Ang ganda ng babae. Namputchang pangit ng lalaki. Napaniwala ulit ako sa true love. May pag-asa pa ako kay KC Concepcion.
Kahapon sa dyaryo, nasa front page na naman ang lovelife ni Pangulong Aquino. Lumabas ang pagka-aktibista at makabayan ko. Gusto kong magpakita ng suporta sa presidente at sabihin sa kanya "PNoy, hindi ka nag-iisa".
Kahapon, may nakita akong BMW na naka-park sa tabi ng isang pedicab. Napaisip ako. Dapat siguro ibalik na ang sosyalismo para pantay-pantay na tayong lahat.
Kahapon, tinawagan ako ng kaibigan kong Lasallista. Nood daw kami pag may Ateneo-DLSU na laro na sa UAAP. Kaya ako bilib sa mga Lasallista. Ang lupet ng fighting spirit. Walang kadala-dala.
Kahapon, jumejebs ako nang biglang tumunog ang doorbell ng condo. Nagulat ako't napatayo. It was messy.
----------------------------------------------------------------------------------
good job ariel!!! funny read. my favorite is the last two lines. haha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment